Buti pa ang pera may tao, ang tao wala pera. Aanhin pa ang bago mukha na pera kung ang mukha ng tao wala pagbabago (mukha ng paghihirap pa rin) .. masmaganda pa baguhin nila ang sistema na gobyerno bago ang pera para kahit papanu magkapera muna ang tao at makita ang pagbabago sa pera..
"A smiling image of the late President Corazon Aquino has nowjoined the image of her husband, the late Sen. Benigno "Ninoy" AquinoJr., on the new P500 bill." from GMAnews
The design of the new P500 bill features the faces of President Cory Aquino and the late Sen. Ninoy Aquino.
Kaya pala hindi na malungkot si Nonoy kasi kasama na niya si Cory, kahit sa pera na lang, ika nga. Ngunit hindi kaya pang personal na interest ito na bagohin ang pera ng Pilipinas na hindi na aayon sa panahon at pagkakataon. Isa lamang ito malaki dagog at hirap sa ating mga mamayang Pilino kung saan ang Buwis ni Juan ay butas naman. Bakit babaguhin ang pera, may pagbabago ba? Buti lang sana kung ang halaga ng pera ni Juan at katumbas ay 1:1 sa Dollar o kaya na man ay 1peso = 42 dollars diba mas maganda pagandahin ang pera ni Juan kung may maganda din ito halaga.
Sa Enero ng Bagong Taon ay magbabago ang pera ng Pilipinas, Tama maganda ito sa mata at tunay na kahangahanga. Ngunit lahat ba makakaroon ng magandang pera kung ang kaya lang naman hawakan mo ay piso duling at ang ginto pilak na 25cents.
Sabi daw kapag ito lumabas sa Enero ito ay pang-World Class, ngunit ang Bayan ni Juan world class din ba? Baka sa pera lang.. isipin niyo muna gawin world class ang Bayan ni Juan, bago ang pera ni Juan. Bakit for export din ba ang pera ni Juan? anu ito damit o kaya sapatos na dapat kailangan world class quality?
"The new security features of the bank notes include embossed prints,serial numbers, security fibers, watermarks, security thread, opticallyvariable device, optically variable ink, and a see-through mark. The amount of features increase as the value of the note goes up." - GMA News
Tunay na nakakahanga ang nakaisip at nakagawa nito, ngunit naisip lamang niyo na ang Security Features para kay Juan? na Paunlarin ang Bayan ni Juan sa paraan patas at dapat. Buti pa ang Pera maganda, ngunit ang Bayan ni Juan, patayan, prostitusyon, droga at iba't iba pa krimen ang na ngunguna sa lista, kaylan kaya gaganda ang Bayan ni Juan at mararamdaman and Security Features ng Gobyero, sana hindi lang sa pera.
Kapag pera ang tumakbo sa isip ng tao iba't iba ang naiisip at nagagawa. Sana nga lang hindi umikot ang buhay natin sa pera at sana ang pera ang umikot sa buhay natin.
Today we can say Money Matters, If you don't have this, you can't have this!